25 June 2026

Mayor Piwa Lim, Nakipagpulong sa mga Opisyal ng DAR para sa Pagpapalakas ng Sektor ng Agrikultura

Mayor Piwa Lim, Nakipagpulong sa mga Opisyal ng DAR para sa Pagpapalakas ng Sektor ng Agrikultura
NAGING PANAUHIN NI MAYOR PIWA LIM SA KANYANG TANGGAPAN SINA DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM Chief Agrarian Reform Program Officer Jasper Christian Maralit, Provincial Agrarian Reform Officer Cherry C. Saloma at Agrarian Reform Program Officer Relzond Degras noong Martes, June 23, 2026.

Naging paksa sa pagbisita ng mga opisyal ng ahensya ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng DAR upang mas mapalawak ang paghahatid ng mga serbisyong pang-agrikultura at mga programang makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa Tayabas. Tinalakay din ang iba't ibang programa at inisyatiba ng DAR na naglalayong magbigay ng suporta, at oportunidad para sa mga mamamayan ng Lungsod ng Tayabas.

Humarap din sa pulong sina City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz at Planning Officer-I Christian Tomines.

Nagpasalamat si Mayor Piwa Lim sa pagbisita ng mga opisyal ng DAR at ipinahayag ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa mga programang naglalayong mapabuti ang kabuhayan at kalidad ng buhay ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya.

#LungsodNaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Nakipagpulong sa mga Opisyal ng DAR para sa Pagpapalakas ng Sektor ng Agrikultura
Mayor Piwa Lim, Nakipagpulong sa mga Opisyal ng DAR para sa Pagpapalakas ng Sektor ng Agrikultura
Mayor Piwa Lim, Nakipagpulong sa mga Opisyal ng DAR para sa Pagpapalakas ng Sektor ng Agrikultura
Shared on
Scroll to Top