25 June 2026

2,000 Tree Seedlings, Naipunla sa Philippine Arbor Day 2026 sa Tayabas

2,000 Tree Seedlings, Naipunla sa Philippine Arbor Day 2026 sa Tayabas
UMABOT SA DALWANLIBONG TREE SEEDLINGS ANG NAITANIM SA KATATAPOS NA TREE GROWING ACTIVITY KAUGNAY NG PHILIPPINE ARBOR DAY 2026 sa Forestland ng Brgy. Ibabang Palale, Tayabas City ngayong araw, Hunyo 25, 2026.

Nakiisa ang iba’t ibang ahensya, samahan at volunteers sa tree growing activity kabilang ang mga empleyado ng City Government of Tayabas, DENR-CENRO Tayabas, Palawan Pawnshop, TAPAT Kalikasan, Bureau of Fire Protection (BFP), Tayabas ECOSAVERS, DepEd Tayabas, Lawa at Binhi–Partnered Beneficiaries, at Sangguniang Barangay ng Ibabang Palale sa pangunguna ni Kap. Pedrito Caagbay.

Mga puno ng kape, narra, molave, kamagong, lipote, at iba pang mga katutubong uri ng puno ang itinanim ng mga lumahok sa Philippine Arbor Day 2026: Luntiang Bukas – A Green, Clean, and Climate-Ready Filipino Community.

Lubos ang pagsuporta ni Mayor Anthony Piwa Lim sa naturang aktibidad na nagpapakita ng kahalagahan ng pagtatanim ng puno bilang tugon sa pangangailangan ng kalikasan at bilang hakbang tungo sa isang mas luntian, mas malinis, at mas matatag na kinabukasan para sa lahat.

Kasabay nito, pormal ding inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang programang “Luntiang Bukas”, na naglalayong makabuo ng isang luntian, malinis, at climate-ready na komunidad sa buong bansa. Bilang bahagi ng programa, nagbahagi ang DENR ng 3,100 native tree seedlings para sa mga lungsod at munisipalidad sa Probinsya ng Quezon, kabilang ang Lungsod ng Tayabas, bilang suporta sa mga programang pangkalikasan at environmental conservation ng Tayabas City Environment and Natural Resources Office (ENRO).

Naging panauhin sa aktibidad si DENR Forester Warren Agustin, na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa patuloy na pakikiisa ng iba't ibang sektor at indibidwal sa mga gawaing naglalayong pangalagaan at pagyamanin ang ating kapaligiran.

Sa kanyang mensahe, taos-pusong nagpasalamat si CENRO Melvin Rada sa lahat ng nakiisa at umakyat sa lugar ng pagtataniman. Bagama’t naging mahirap ang pag-akyat at pagtatanim, naniniwala siyang balang araw ay ang mga susunod na henerasyon ang makikinabang sa mga punong itinanim ngayon. Pinasalamatan din niya ang mga katuwang na tanggapan, kabilang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), na naging mahalagang bahagi sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.

Ayon sa Proclamation No. 643, s. 2004, ipinagdiriwang ang Philippine Arbor Day tuwing ika-25 ng Hunyo bilang paghimok sa bawat mamamayan na magtanim at mag-alaga ng mga puno. Ang salitang “arbor” ay nagmula sa wikang Latin na nangangahulugang “puno,” na sumisimbolo sa sama-samang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng balanseng kapaligiran.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
2,000 Tree Seedlings, Naipunla sa Philippine Arbor Day 2026 sa Tayabas
2,000 Tree Seedlings, Naipunla sa Philippine Arbor Day 2026 sa Tayabas
2,000 Tree Seedlings, Naipunla sa Philippine Arbor Day 2026 sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top