25 June 2026

Makabagong Kagamitan at Teknolohiya sa Konstruksyon, Tinunghayan ni Mayor Piwa Lim sa Philconstruct 2026

Makabagong Kagamitan at Teknolohiya sa Konstruksyon, Tinunghayan ni Mayor Piwa Lim sa Philconstruct 2026
MGA MAKABAGONG KAGAMITAN, MAKINARYA, TEKNOLOHIYA, AT MGA MATERYALES PARA SA IMPRASTRAKTURA ANG NATUNGHAYAN NI MAYOR PIWA LIM sa ginaganap na 37th Philippine International Construction Equipment, Building Materials, Interior and Exterior Products Exhibition and Technology Forum (PHILCONSTRUCT 2026) sa SMX Convention Center, Pasay City ngayong Huwebes, Hunyo 25, 2026.

Magkakasamang dumalo sina Mayor Piwa Lim, City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Dino Romero, SK Federation President Miguel Obdianela, GSO Cecilia Potestades, City Engineer Christian Tamaño, City Architect Eladio Manzano at Former Councilor Farley Abrigo sa pinakamalalaking eksibisyon sa industriya ng konstruksyon sa bansa kung saan tampok ang mga makabagong kagamitan, makinarya, teknolohiya, at mga materyales para sa imprastraktura at pagpapaunlad ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Piwa Lim, mahalagang makita at matunghayan ng lokal na pamahalaan ang mga makabagong kagamitan at inobasyon sa larangan ng konstruksyon upang higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng mga imprastraktura at serbisyong pangkaunlaran para sa mga Tayabasin.

Nais ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas na makasabay sa mga makabagong solusyon at teknolohiya na makatutulong sa pagpapabilis at pagpapaganda ng mga proyekto ng lungsod para makapaghatid ng mas maayos at episyenteng serbisyo publiko sa mamamayang Tayabasin.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Makabagong Kagamitan at Teknolohiya sa Konstruksyon, Tinunghayan ni Mayor Piwa Lim sa Philconstruct 2026
Makabagong Kagamitan at Teknolohiya sa Konstruksyon, Tinunghayan ni Mayor Piwa Lim sa Philconstruct 2026
Makabagong Kagamitan at Teknolohiya sa Konstruksyon, Tinunghayan ni Mayor Piwa Lim sa Philconstruct 2026
Shared on
Scroll to Top