29 June 2026

Mayor Piwa Lim at mga Opisyal ng LGU Tayabas, Nakiisa sa Block Screening ng "Sa Likod ng Tsapa"

Mayor Piwa Lim at mga Opisyal ng LGU Tayabas, Nakiisa sa Block Screening ng "Sa Likod ng Tsapa"
NANGUNA SI MAYOR PIWA LIM SA MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS NA NANOOD SA BLOCK SCREENING NG DOCU-FILM ON TRUTH, BETRAYAL AND REDEMPTION, “SA LIKOD NG TSAPA” noong Biyernes, June 26, 2026, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.

Kabilang din sa mga high-profile personalities na nanood ng “SA LIKOD NG TSAPA: The Story of Col. Hansel M. Marantan” sina Quezon Provincial Director PCOL Romulo Albacea, RPIO PLTCOL Milany Martinez, Tayabas CCPS-OIC PLTCOL Bonna A Obmerga, Konsehal Riza Llaneta, Chiefs of Police at mga miyembro ng kapulisan ng mga karatig-bayan, mga kinatawan ng mga Sangguniang Barangay sa Lungsod ng Tayabas, mga pinuno at kawani ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Ang nasabing dokumentaryo ay likha ni Editha Z. Caduaya at naglalayong maipakita ang katotohanan, sakripisyo, katapatan, at pagtupad sa tungkulin ng isang alagad ng batas sa kabila ng mga hamon at pagsubok na kanyang hinarap sa serbisyo publiko.

Nagpahayag ng suporta si Mayor Piwa Lim sa mga gawaing nagpapalalim ng kamalayan ng mamamayan hinggil sa kahalagahan ng integridad, pananagutan, at dedikasyon sa paglilingkod. Aniya, mahalagang maibahagi sa publiko ang mga kwentong nagbibigay-inspirasyon at nagpapakita ng tunay na kahulugan ng paglilingkod sa bayan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim at mga Opisyal ng LGU Tayabas, Nakiisa sa Block Screening ng "Sa Likod ng Tsapa"
Mayor Piwa Lim at mga Opisyal ng LGU Tayabas, Nakiisa sa Block Screening ng "Sa Likod ng Tsapa"
Mayor Piwa Lim at mga Opisyal ng LGU Tayabas, Nakiisa sa Block Screening ng "Sa Likod ng Tsapa"
Shared on
Scroll to Top