29 June 2026

Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Tatlong Benepisyaryo

Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Tatlong Benepisyaryo
NAKATANGGAP NG WHEELCHAIR BUHAT KAY MAYOR PIWA LIM SINA FRANCISCO MILLAR NG BARANGAY POTOL, LEONIDA ALBINDO NG BARANGAY OPIAS, AT CELERINA BACCAY NG BARANGAY LITA PHASE 3 matapos ihatid ng alkalde sa kanilang mismong tahanan ang mga binili niyang wheelchair noong Biyernes, June 26, 2026.

Kasama ni Mayor Piwa Lim sa paghahatid ng nasabing assistive devices sina Konsehal Riza Llaneta at City Health Officer Dr. Hernando Marquez. Hangad ng alkalde na matiyak na maayos na maipagkakaloob ang mga kagamitang makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga pamilya ng mga benepisyaryo sa ipinakitang malasakit at agarang pagtugon ng punong lungsod sa kanilang pangangailangan. Anila, malaki ang maitutulong ng mga wheelchair upang maging mas magaan at komportable ang kanilang paggalaw at pakikibahagi sa komunidad.

Patuloy namang isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas, sa pangunguna ni Mayor Piwa Lim, ang mga programang nagbibigay ng suporta at tulong sa mga mamamayang nangangailangan, lalo na sa mga senior citizen, persons with disability (PWD), at iba pang sektor na higit na nangangailangan ng kalinga at serbisyo ng pamahalaan.

#LungsodNaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Tatlong Benepisyaryo
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Tatlong Benepisyaryo
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Tatlong Benepisyaryo
Shared on
Scroll to Top