29 June 2026

BM TODA, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim

BM TODA, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR PIWA LIM ANG PAMUNUAN AT MIYEMBRO NG BARANGAY MATEUNA TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION o BM TODA sa pangunguna ni President Luisito Dela Paz ngayong Lunes, June 29, 2026.

Sa kanilang pagbisita, tinalakay ang mga usaping may kaugnayan sa kapakanan ng mga tricycle drivers at operators. Gayundin ang mga programang maaaring makatulong upang higit na mapabuti ang kanilang hanapbuhay at serbisyo sa mga mamamayan.

Nagpasalamat ang BM TODA sa patuloy na suporta at bukas na pakikipagtulungan ng administrasyon ni Mayor Piwa Lim sa sektor ng transportasyon.

Samantala, tiniyak naman ng alkalde ang kanyang patuloy na pakikinig at pagsuporta sa mga pangangailangan ng mga transport groups sa lungsod upang mapanatili ang maayos, ligtas, at episyenteng serbisyo para sa mga Tayabasin.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
BM TODA, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
BM TODA, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
BM TODA, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top