29 June 2026

75 Tayabasin, Nakatanggap ng Libreng Salamin sa Mata sa Ilalim ng Primary Eye Care Program

75 Tayabasin, Nakatanggap ng Libreng Salamin sa Mata sa Ilalim ng Primary Eye Care Program
PITUMPU’T LIMANG TAYABASIN ANG NABIYAYAAN NG LIBRENG SALAMIN SA MATA SA ILALIM NG PRIMARY EYE CARE PROGRAM ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas. Pinangunahan ni Mayor Piwa Lim ang pamamahagi ng angkop at de-kalidad na eyeglasses sa mga benepisyaryo ngayong Lunes, June 29, 2026 sa Atrium ng New Tayabas City Hall.

Una nang sumailalim ang mga Tayabasing may problema sa paningin sa pagsusuri ni Dr. Maribel Quebrado, isang Private Optometrist na katuwang ng City Health Office sa Primary Eye Care Program. Base sa naging resulta ng eye check-up, pitumpu’t lima ang nangangailangan ng eyeglasses na siya namang pinondohan ng lokal na pamahalaan para mapagawan ng angkop na salamin sa mata.

Lubos ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng salamin sa mga nagtaguyod ng programa sa mata, lalo’t higit kay Mayor Piwa Lim, City Health Officer Dr. Hernando Marquez at sa mga kawani ng CHO na nangangasiwa ng Primary Eye Care Program.

Nakiisa sa pamamahagi ng libreng salamin sa mata sina Konsehal Riza Llaneta, Dr. Hernando C. Marquez at Dr. Maribel Quebrado.

#LungsodNaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
75 Tayabasin, Nakatanggap ng Libreng Salamin sa Mata sa Ilalim ng Primary Eye Care Program
75 Tayabasin, Nakatanggap ng Libreng Salamin sa Mata sa Ilalim ng Primary Eye Care Program
75 Tayabasin, Nakatanggap ng Libreng Salamin sa Mata sa Ilalim ng Primary Eye Care Program
Shared on
Scroll to Top