
27
Mar 2025

Matapos ipresenta sa bumubuo ng GAD Focal Point System Executive Committee ay agad din na inaprubahan ang LGU Tayabas GAD Plan and Budget for FY 2026 sa pulong na ipinatawag para dito ngayong Huwebes, March 27, 2025 sa OCM_Conference Room.
Pinamunuan ni GFPS Execom Co-Chairperson Diego V. Narzabal ang pulong na dinaluhan ng mga miyembrong Department and Section Head ng LGU Tayabas.

