
23
Feb 2025
Agriculture
News
STINGLESS BEEKEEPING, URBAN GARDENING TRAINING PARA SA MGA MIYEMBRO NG 4-H CLUB. ISINIGAWA

Labinlimang (15) miyembro ng Empowering Tayabas Agricultural Youth Organization (4-H Club) ang sumailalim sa pagsasanay tungkol sa Stingless Beekeeping and Urban Gardening na inorganisa ng City Agriculture Office noong Linggo, February 23, 2025 sa Tayabas Integrated Farm and Research Center (TIFARC) sa Brgy. Masin.
Layunin ng pagsasanay na matuto ang mga kabataan sa pag-aalaga ng Stingless Bee at matuto ng Urban Gardening upang makatulong sa pagpapaunlad ng agrikultura ang 4-H Club sa Lungsod ng Tayabas.
Naging tagapagsanay sina Forest Ranger/4hVlap Brgy. Lalo Kelvin J. Oates at Agricultural Technologist Veronica L. Reyes. Lubos naman ang suporta ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa isinagawang programa ng City Agriculture Office.

