25
Nov 2024
Tatlumpung (30) fish pond owners ang naghati-hati sa limampung libong (50,000) tilapia fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para alagaan sa kanilang mga palaisdaan.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Office of the City Agriculturist ang pamamahagi ng semilya ng tilapia sa New Tayabas City Hall ngayong Biyernes, November 22, 2024.
Ang patuloy na pamamahagi ng mga semilya ng tilapia at iba pang uri ng hayop na maaring pakinabangan at pagkakitaan ng mga magsasakang Tayabasin ay bahagi ng HEART Agenda ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Vice Mayor Rosauro Dalida, para higit na mapaunlad ang agrikultura sa nalolooban ng Lungsod ng Tayabas.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 8 hours ago