
10
May 2025

Bata at matanda, payat at hindi payat, babae at lalake. Lahat sila nagsama-sama para tumakbo para sa kalikasan.
Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office, Tayabas Caving and Outdoor Club, Inc. at TAPAT-Kalikasan Federation ang 6th Run for Biodiversity na may layuning patuloy na maisulong ang pangangalaga sa kalikasan at sa mga sari-saring buhay na meron dito.
Ang fun run ay bahagi ng pagdiriwang ng Mayohan Festival 2025 at International Day for Biodiversity 2025, na may temang “Harmony with nature and sustainable development”.


Related Articles
Popular Category
Recent Posts
