
24
Feb 2025

Pinangunahan ng mga miyembro ng GFPS-TWG ang pagsasala at pagtatasa sa mga GAD Plan and Budget para taong 2026 ng iba’t-ibang mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Tayabas. Ito ay bilang tugon sa itinakda ng JMC 2024-01 (Revised Guidelines on the Localization of Magna Carta of Women)- ang pagsusumite sa March 31, ng mga GAD Plan and Budget para sa taong 2026.
Ang mga sumailalim sa pagtatasa ay ang mga sumusunod: City Health office; City Nutrition office; Sports Office; OCM- City Library; OCM -Community E-center; at City Social Welfare and Development Office.
Ginanap ang nasabing aktibidad kahapon, ika-24 ng Pebrero 2025 sa Office of the City Planning and Development Coordinator.

