
08
Apr 2025
News
BARANGAY APPOINTED OFFICIALS, LUPONG TAGAPAMAYAPA AT BANTAY BAYAN, TUMANGGAP NG 1ST QUARTER CASH SUBSIDY BUHAT SA PAMAHALAANG LOKAL

Apatnadaan pitumpu’t dalawang (472) Barangay Appointed Officials, Lupong Tagapamayapa at Bantay Bayan tumanggap ng kanilang 1st Quarter Cash Subsidy buhat sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas ngayong Martes, Abril 8, 2025.
Ayon sa pananalita ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, patuloy na maglalaan ng pondo ang Office of the City Mayor para sa kanila upang lalong makatupad sa kanilang tungkulin at makadagdag ng ngiti sa kanilang pang araw-araw na gawain.
Umabot sa pitundaan pitong libo at limandaang piso (P707,500.00) ang ipinamahaging cash subsidy ng mga tauhan ng City Treasurer’s Office.

