1,387 Barangay Workers sa Tayabas, Tumanggap ng 1st Quarter Cash Subsidy!

1,387 Barangay Workers sa Tayabas, Tumanggap ng 1st Quarter Cash Subsidy!
26 Mar 2025

News

1,387 Barangay Workers sa Tayabas, Tumanggap ng 1st Quarter Cash Subsidy!

Isang libo tatlundaan walumpu’t pitong (1,387) Barangay Appointed Officials, Lupong Tagapamayapa, Bantay Bayan at Barangay Health Workers ang tumangap ng kanilang 1st Quarter Cash Subsidy buhat sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas ngayong Miyerkules, March 26, 2025.
 
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga taong ito na nagiging katuwang ng Pamahalaang Lokal upang ipaabot ang mga magagandang programa at serbisyo sa mga mamamayan ng Lungsod ng Tayabas.
 
Umabot sa isang milyon siyamnadaan animnapu’t tatlong libong piso (P1, 963,00) ang ipinamahaging cash subsidy ng mga tauhan ng City Treasurer’s Office. Nakiisa din sa pamamahagi si Konsehal Luz Cuadra
SHARE ON
Scroll to Top