
04
Apr 2025

Maagang nagsimula ang Bloodletting Activity sa Casa Communidad de Tayabas ngayong umaga ng Biyernes, April 4, 2025.
Bahagi ang aktibidad ng National Voluntary Blood Service Program na ipinatutupad ng Tayabas City Health Office, sa pakikipag-ugnayan sa Quezon Medical Center Blood Bank, at sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang government agencies and volunteer groups.
Kung interesadong magdonasyon ng dugo, maaaring magtungo sa 2nd Floor ng Casa Communidad de Tayabas hanggang alas-12:00 ng tanghali upang masuri at malaman kung kwalipikadong maging donor.
Matatandaang personal na nag-anyaya si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at CHO Dr. Hernando Marquez noong Monday Flag Raising Ceremony sa mga kawani at sa lahat ng Tayabasin na makiisa at maging volunteer blood donor para maging bahagi sa pagdurugtong ng buhay ng mga nangangailangan.

