BRAND NEW HAND TRACTORS, RICE THRESHERS, IPINAMAHAGI SA MGA SAMAHAN NG MAGSASAKA SA LUNGSOD NG TAYABAS.

BRAND NEW HAND TRACTORS, RICE THRESHERS, IPINAMAHAGI SA MGA SAMAHAN NG MAGSASAKA SA LUNGSOD NG TAYABAS.
18 Dec 2024

Agriculture

News

BRAND NEW HAND TRACTORS, RICE THRESHERS, IPINAMAHAGI SA MGA SAMAHAN NG MAGSASAKA SA LUNGSOD NG TAYABAS.

Ipinamahagi ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang limang (5) brand new hand tractors sa samahan ng magsasaka ng Barangay Ipilan, Nangka, Potol, Pandakaki at Silangang Domoit. Samantalang limang (5) brand new rice threshers naman sa samahan ng magsasaka sa Barangay Baguio, Banilad, Kanlurang Palale, Ilayang Bukal, at Wakas ngayong Huwebes, December 12, 2024 sa Silungang Bayan ng Tayabas kasabay ng pagdiriwang ng Paskuhan ng Tayabas Federation of Farmers Association (TFFA).
 
Sinaksihan at nakisaya sa okasyon sina Konsehal Elsa Rubio at City Agriculturist Rommel Abuyan.
 
Muling sinigurado ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na patuloy ang kanyang suporta para mas paunlarin ang sektor ng pagsasaka sa Lungsod ng Tayabas. Kaya patuloy niyang isinusulong ang mga proyektong pangsakahan sa pamamagitan ng City Agriculture Office.
SHARE ON
Scroll to Top