
21
Mar 2025
Health
News
Buntispectation 2025: 320 Mga Buntis sa Tayabas, Tumanggap ng Serbisyo at Suporta para sa Malusog na Pagdadalang-Tao

Pinangunahan ng mga kawani City Health Office ang Buntispectation 2025 na dinaluhan ng tatlundaan dalawampung (320) mga buntis ngayong Biyernes, March 21, 2025.
Kabilang sa mga aktibidad ay ang pagbibigay ng dagdag kaalaman kung paano ingatan ang kanilang pagdadalang tao sa pamamagitan ni Midwife III Raechel Dañez.
Nagsagawa din ng Dental check-up si Dr. Anthony Orias sa mga buntis kabilang ang mga kandidata ng Pretty Preggy 2025. Namigay din sila ng Dental Kits.
Personal na dumalo si Mayor Lovely Reynoso – Pontioso sa programa at ipinaabot ang mensahe na isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon ang kalusugan ng mga buntis.
Bumisita din si Former COA Commissioner Heidi Mendoza at nagbahagi ng mensahe sa mga buntis na Tayabasin at sinabing isa rin sa nais niyang maging prayoridad ang kalusugan sapagkat siya ay tunay na Tayabasin.
Namahagi din ang Lokal na Pamahalaan ng Buntis Kit upang magamit ng mga buntis na dumalo sa nasabing programa.
Naging tagapagpadaloy ng programa si Midwife II Rosanna Morales.

