Dalawampu’t apat (24) na kalahok ang nagpaligsahan sa pagpapalipad ng kanilang naggagandahang mga Borador noong Martes, May 13, 2025

Dalawampu’t apat (24) na kalahok ang nagpaligsahan sa pagpapalipad ng kanilang naggagandahang mga Borador noong Martes, May 13, 2025
14 May 2025

Events

News

Tourism

Dalawampu’t apat (24) na kalahok ang nagpaligsahan sa pagpapalipad ng kanilang naggagandahang mga Borador noong Martes, May 13, 2025

Dalawampu’t apat (24) na kalahok ang nagpaligsahan sa pagpapalipad ng kanilang naggagandahang mga Borador noong Martes, May 13, 2025 na ginanap sa malawak na parang sa bukana ng New Tayabas City Hall.
 
Ang Boradoran ay bahagi ng Mayohan sa Tayabas Festival 2025 na inorganisa ng Tayabas City Tourism Office, Tayabas Culture and the Arts, at Physical Fitness and Development Office.
 
Tumanggap ng cash prizes ang mga tinanghal na nangungunang tatlong Pinakamagandang Lipad ng Borador. Samantalang may cash at VIP Ticket sa Mother’s Wonderland ang pang-apat at panglima.
 
Lahat ng hindi pinalad ay may P500 consolation prize.
 
May premyo din ang Pinakamasining na Borador, Pinakamalaking Lumilipad na Borador, Pinakamagaling na Piloto ng Borador at Pinakamahusay Magtalang ng Borador.
 
Tumayong mga hurado sa Boardoran sina CENRO Melvin Rada, Nelson Edon at Kristell Nae Pardines.
SHARE ON
Scroll to Top