
24
Apr 2025
GAD
News
IKAAPAT NA BATCH NG MGA MIYEMBRO NG BARANGAY GAD FOCAL POINT SYSTEM, SUMASAILALIM SA DALAWANG ARAW NA CAPABILITY TRAINING ON BASIC CONCEPT ON GAD, GENDER ANALYSIS AND GENDER RESPONSIVE PLANNING AND BUDGETING

Anim ( 6 ) na Barangay sa Lungsod ng Tabayas kabilang ang Camaysa, Dapda, Calantas, Domoit Kanluran at Silangan Domoit ang kasalukuyang sumasailalim sa 2-Day Capability Training on Basic Concept of GAD, Gender Analysis and Gender Responsive Planning and Budgeting ngayong Huwebes, April 24, 2025.
Limampu’t limang (55) Barangay GAD Focal Point System ang naging kalahok sa pagsasanay na layuning magkaroon ng mga bagong kaalam upang higit na na magampanan ang kanilang tungkulin sa kanilang nasasakupang Barangay.
Si EnP. Philip Amiel B Lopez, RN,LPT, MPAF ang gumaganap na resource person sa pagsasanay na pinamamahalaan ng City Gender and Development Office sa pamumuno ni GFPS-TWG Chairperson Rosario Bandelaria katuwang si Ma. Zarina A. Bagangan.

