
24
Jan 2025
Education
News
INAUGURATION AT BLESSING NG TATLONG PALAPAG NA GUSALI NA KINAPAPALOOBAN NG SIYAM NA CLASSROOM SA WEST PALALE NATIONAL HIGH SCHOOL, ISINAGAWA

Isinagawa ngayong Biyernes, January 24, 2025 ang isang payak na programa ng Inauguration at Blessing ng West Palale National High School na pinondohan ng Department of Education at inisyatibo ni 1st District Representative Cong. Mark Enverga.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Gerald Garcia ang blessing sa tatlong palapag na gusali na mayroong siyam na classroom na magagamit ng mga mag-aaral doon.
Hindi man personal na nakadalo sa programa si Acting City Mayor Rosauro “Oro” Dalida ay nagpadala naman siya ng kanyang kinatawan para magpahayag ng kanyang suporta sa WPNHS.
Naging panauhin sina 1st District Representative Cong. Mark Enverga, Tayabas City SDS Celedonio B. Balderas at Bokal Julius Luces. Sinaksihan din ang programa ng mga guro at mag-aaral ng West Palale National High School.

