
23
Jan 2025
Health
News
Technology
INILAPIT ANG SERBISYONG MAY PUSO MOBILE HEALTH SERVICES SA BARANGAY ANGUSTIAS ZONE-4.

Pinakinabangan ng mga residenteng naninirahan doon ang mga libreng konsulta sa doktor na may kasamang libreng gamot, free laboratory tests, ultrasound, x-ray, ECG, at iba pang Serbisyong May Puso Mobile Health Services. Samantala, nandoon din ang OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section para mas pabilisin ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card.
Ang Serbisyong May Puso Mobile Health Services ay inilunsad para ipagkaloob sa mga residente ng Lungsod ng Tayabas ang mga libreng serbisyong medikal.
Naging katuwang ng OCM-MHMERT sa Mobile Health Services ang mga Barangay Health Workers (BHW) ng Barangay Angustias Zone-4.

