ISINAGAWA ANG 2ND QUARTER RIVER CLEAN-UP DRIVE SA ILOG IBIYA, BARANGAY OPIAS

ISINAGAWA ANG 2ND QUARTER RIVER CLEAN-UP DRIVE SA ILOG IBIYA, BARANGAY OPIAS
05 Jun 2025

News

ISINAGAWA ANG 2ND QUARTER RIVER CLEAN-UP DRIVE SA ILOG IBIYA, BARANGAY OPIAS

Isinagawa ngayong Huwebes, Hunyo 5, 2025, ang 2nd Quarter River Clean-Up Drive sa Ilog Ibiya bandang Doña Carmen Subdivision sa Barangay Opias. Bahagi ito ng selebrasyon ng Philippine Environment Month.
 
Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang naturang aktibidad, katuwang ang 56 na mga kawani mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga opisyal ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Barangay Lalo.
 
Sa isinagawang paglilinis, tinatayang mahigit 300 kilo ng basura ang nakolekta mula sa halos isang kilometrong bahagi ng Ilog Ibiya. Kasunod nito ang maayos na pagsasagawa ng sorting at segregation ng mga basura.
 
Muling nananawagan ang CENRO sa publiko na makiisa sa pangangalaga ng mga daluyang-tubig upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at maiwasan ang mga posibleng sakuna dulot ng polusyon at kapabayaan
SHARE ON
Scroll to Top