25
Nov 2024
“Huwag masyadong personalin ang bawat laro, bagkus gawin itong simbolo ng pagkakakilala at pagkakaron ng isang magandang samahan ng bawat isa.” Ito ang mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa pagbubukas ng kauna-unahang Job Order Sportsfest ng LGU Tayabas.
Maagang pumarada ang animnadaan apatnapu’t anim (646) na Job Orders para pasimulan ang pagbubukas ng kauna-unahang Job Order Sportsfest 2024 na lalahukan ng lahat ng JO ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas noong Miyerkules, November 20, 2024.
Apat na team ang maglalaban sa mga inihandang laro na kinabibilangan ng Pink Panther, Green Eagle, Black Mamba at Yellow Jaguar.
Nagtapos ang parada sa Silungang Bayan ng Tayabas kung saan isinagawa ang Opening Program na nagbigay hudyat sa pagpapakita ng energy at kahandaan sa pakikipag-tagisan sa pagsigaw ng kani-kanilang “team yell.”
Rumampa din sa stage ang apat na pares ng muse at escort. Na sinundan ng zumba dance bago simulan ang mga parlor games at ball games.
Si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, kasama sina Vice Mayor Rosauro Dalida, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Carmerlo Cabarrubias at EA Art Tristian Pontioso ang nagbigay ng hudyat sa pagsisimula ng paligsahan.
Ang Job Order Sportsfest ay magtatapos ngayong Huwebes, November 21, 2024. Ito ay pinamamahalaan ng Human Resource Management Office sa gabay ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida, sa tulong ng mga itinalagang Team Leaders, game officials and support personnel.