04
Dec 2024
News
LIMANLIBO ANIMNADAANG PISONG SAHOD, NATANGGAP NA NG MGA TUPAD BENEFICIARY.
Sanlibo dalwandaan limampu’t siyam (1,259) na DOLE-Tulong Panghanapbuhay Para Sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) beneficiaries ang tumanggap ng kanilang sahod para sa sampung araw na paglilinis ng kapaligiran na nagkakahalaga ng five thousand six hundred pesos (P5,600) sa isinagawang payout ngayong Biyernes, November 29, 2024, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
Nagsilbing tagapagpadaloy ng programa si PESO Manager Malou Montoya at Mr. Joey Villamor. Naging pagkakataon din ang salary payout para makapagbahagi ng mensahe sa mga benepisyaryo ang ilan sa mga namumuno sa Lungsod ng Tayabas na sina Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Luz Cuadra, OCVM Representative Grace Lacorte at Konsehal Carmelo Cabarubbias. Nakiisa rin si Former Vice Governor Sam Nantes at Alona Partylist Spokesperson Raquel Mendoza.
Katuwang din ngayong araw ang Palawan Pawnshop kung saan nagtayo sila ng satellite payout para diretso nang makuha ng beneficiary ang pera. Naging tagapamahala si Rubilyn Radin mula sa Palawan Pawnshop.
Sa mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ay muli siyang nagpasalamat sa mga opisyal ng National Government at ibang ahensya na katulong para maglagay ng pondo para may dagdag kita ang mga Tayabasin. Maliit man aniya ay malaking tulong na rin ito para sa pang-araw-araw na pamumuhay.