25
Nov 2024
News
LUNGSOD NG TAYABAS, NAKIISA SA HANGARIN NG BAGONG PILIPINAS PROGRAM, NATIONWIDE IMPLEMENTATION OF THE BARANGAY ROAD CLEARING OPERATIONS, ASSESSMENT, VALIDATION AND RECOGNITION.
Nagsimula nang tumalima ang pamahalaang lokal sa pagpapatupad ng mga probisyong nakapaloob sa inilabas na DILG Memorandum Circular No. 2024-053 noong April 16, 2024, na naglalayong alisin ang mga ilegal na istruktura o anumang mga bagay na nakahambalang at balakid sa malayang pagdaan ng mga tao at sasakyan sa mga lansangan, maging sa mga sidewalk o gilid ng kalsada.
Sama-samang kumilos ang bumubuo ng Tayabas City’s Bagong Pilipinas Program Implementation Task Force para ipatupad ang nilalaman ng kautusan na nagsimula noong Miyerkules, November, 20, 2024.