27
Oct 2023
Events
Health
News
MALNUTRISYON NG BATANG TAYABASIN AY PUKSAIN: “MASUSTANSYANG PAGKAIN SA IYONG HAPAG IHAHAIN.”
MALNUTRISYON NG BATANG TAYABASIN AY PUKSAIN: “MASUSTANSYANG PAGKAIN SA IYONG HAPAG IHAHAIN.”
Apatnadaan at limampung (450) “undernourished” na bata kasama ang kanilang mga magulang ang nagtipon sa Bayanihan Isolation Facility sa Barangay Mateuna ngayong Hapon October 26, 2023 para tumanggap ng nutritious food packs.
Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamamahagi ng “nutritious foods on a pink bag” na naglalaman ng oats, orange, munggo, apple,1 tray of egg at iodized salt na tutugon sa malnutrisyon ng mga batang “undernourished” sa Lungsod ng Tayabas.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga nanay na lubos na ikinatuwa ang naging resulta ng programang ito dahil mula 4 na kilo ay naging 8 kilo ang timbang ng kanyang anak sa loob lang ng apat na buwan.
Lubos din ang pasasalamat ng Lungsod sa Provincial Government of Quezon sa pamamagitan ni Governor Doktora Helen Tan sa patuloy na pagsuporta sa programang ito ng Lokal na Pamahalaan.
Ang Dietary Supplementation Program (DSP) for Undernourished Children ay magkatuwang na isinusulong ng City Nutrition Council at ng City Gender and Development Council na parehong pinamumunuan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kaagapay sina CNAO Marinel Zaporteza-Chong, CGAD TWG Head Maide Jader at CHO Hernando Marquez, M.D.
Kasama ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at nagpahayag ng buong suporta sa programa kontra-malnutrisyon si Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida.
Ipinabatid rin nila na patuloy na gagawin ang programang ito para sa huli mamayan ang panalo.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 2 hours ago
TINGNAN || 300 PACKS OF RELIEF GOODS, NATANGGAP...
- Health|
- 2 hours ago
TINGNAN || INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024
- Health|
- 2 days ago