25
Nov 2024
GAD
News
MGA KAWANI AT OPISYAL NG PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS, CIVIL SOCIETY ORGANIZATION, NAKIISA SA PAGSISIMULA NG 18-DAY CAMPAIGN TO END VIOLENCE AGAINST WOMEN.
Simula ngayong Lunes, November 25, 2024 ay bibigyang-pansin ang labingwalung araw na kampanya para palakasin ang kaalaman ng lahat ng may kinalaman sa pagpapalaganap sa violence against women o pagbibigay ng respeto sa mga kababaihan bilang isang pambansang usapin.
Sa pamamagitan ng pagsusuot ng kulay orange na damit, ipinahayag ng mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan, maging ng mga kasapi ng civil society organization ang pagsuporta sa 18-day campaign na magtatapos sa December 12, 2024.
Ang Gender and Development Office, sa pakikipagtulungan ng GAD Council at GFPS ang nanguna sa ganitong gawain.