
18
Feb 2025
News
MGA KAWANI NG QUEZON PROVINCIAL HUMAN RESOURCE MANAGEMENT OFFICE, NAGSAGAWA NG PRIME-HRM BENCHMARKING ACTIVITY SA LUNGSOD NG TAYABAS .

Ikinagalak ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pagbisita ng mga kawani ng Quezon Provincial Human Resource Management Office (QPHRMO) sa pamumuno ni HRMO Rowell Napeñas ngayong Martes, February 18, 2025.
Napili ng Quezon Provincial Human Resource Management Office na magsagawa ng benchmarking activity sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas upang makapangalap ng kaalaman at matunghayan kung papaano nakamit ng Lungsod ng Tayabas ang PRIME-HRM Bronze Award buhat sa Civil Service Commission.
Lubos ang pasasalamat ng mga kawani ng Provincial Government of Quezon sa mga aral at payo na kanilang magagamit upang makamit din ang Prime-HRM Bronze Award.
Dumalo si City Administrator Diego Narzabal, mga bumubuo ng iba’t ibang komitiba, at ang mga kawani ng Human Resource Management Office sa pamumuno ni HRMO Mary Jane Z. Calupig, na sila ring nangasiwa sa benchmarking activity.

