25
Nov 2024
Dalwandaan apatnapu’t apat (244) na mga mag-aaral sa Day Care ang sumailalim sa Eye Screening kabilang ang Maaliwalas Child Development Center, Malikhain Child Development Center, National Child Development Center at Maunlad Child Development Center ngayong Huwebes, November 21, 2024.
Ang Primary Eye Care Program ay nakapaloob sa Health Agenda ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso para pangalagaan ang mata ng mga mamayan sa Lungsod ng Tayabas.
Personal na nakadaupang palad ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga magulang ng mga batang sumailalim sa eye screening. Nandoon din para sumuporta sina Konsehal Esla Rubio, Konsehal Luz Cuadra at Konsehal Carmelo Cabarrubias.
Ang team ng Primary Eye Care Program ang namahagala sa programa katuwang ang mga Day Care Workers na sinagawa sa National Child Development Center at Barangay Hall ng Isabang.
Nakatakdang bigyan ng libreng salamin ang mga batang may malabong mata bago matapos ang taon ngayong 2024.