
14
Feb 2025
GAD
News
MGA PILING KALALAKIHAN MULA SA IBA’T-IBANG SECTOR SA TAYABAS, SUMAILALIM SA BASIC GENDER SENSITIVITY TRAINING

Sumailalim sa pagsasanay ang labing walong (18) kalalakihan mula sa iba’t-ibang sector sa Lungsod ng Tayabas patungkol sa Basic Gender Sensitivity Training na isinagawa sa Training Room-1 ng New Tayabas City Hall noong Huwebes, February 13, 2025.
Pinamunuan ito ni GFPS-TWG Chairperson Rosario Bandelaria habang naging tagapagsanay naman si Mr. Christian Castro na siyang nagpahayag ng pagpapalawak ng kaalaman ng mga kalalakihan na maaaring maipasa sa kanilang mga kakilala, kaibigan, at kapamilya.
Layunin ng pagsasanay na protektahan ang mga kababaihan sa pamamagitan ng mga kalalakihan. Gayundin, upang i-respeto at maging pantay ang pagtingin ng bawat isa.
Nagkaroon din ng bagong samahan na tinatawag na “Men’s Opposed to Violence Everywhere” (MOVE) kung saan binubuo ito ng mga kalalakihan mula sa iba’t-ibang sector ng Lungsod ng Tayabas. Layunin ng “MOVE” na proteksyonan ang bawat mamamayan sa Tayabas lalo’t higit ang mga kababaihan at kabataan.
Nagkaroon din ng botohan kung sino ang mamumuno sa samahan ng “MOVE” sa Lungsod, na sinundan ng kanilang panunumpa.
Lubos ang suporta ni Acting City Mayor Rosauro “Oro” Dalida sa isinagawang pagsasanay at sa layunin nito na madagdagan ang kaalaman ng mga kalalakihan sa pagproteksyon sa mamamayan ng Tayabas.

