
06
Jun 2025

Inilapit sa mga residente ng Barangay Lita ang iba’t-ibang uri ng serbisyong pangkalusugan ng mga tauhan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) sa pamumuno ni Assistant City Health Officer Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon na kinatawan ni Dr. Gabriel Bernales na naging resident doctor sa nasabing aktibidad katuwang ang ibang tanggapan, Barangay Health Workers at Sangguniang Barangay.
Isinagawa sa basketball court ng Barangay Lita ang libreng health consultation, urinalysis, ECG, at pamimigay ng libreng gamot ngayong Huwebes, June 06, 2025.
Ang Mobile Health Services ay inilunsad para ipagkaloob sa mga residente ng Lungsod ng Tayabas ang mga libreng serbisyong medikal.

