MOCK ELECTION BILANG PAGHAHANDA SA 2025 NLE, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG TAYABAS.

MOCK ELECTION BILANG PAGHAHANDA SA 2025 NLE, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG TAYABAS.
27 Jan 2025

News

MOCK ELECTION BILANG PAGHAHANDA SA 2025 NLE, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG TAYABAS.

Nakiisa sa isinagawang “Mock Election” ang mga kawani at opisyal ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Tayabas noong Lunes, January 27, 2025 sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
 
Layunin ng nasabing mock election na magbigay ng pagkakataon sa mga botante at mga kawani ng local Comelec office na mapaghandaan ang mga posibleng isyu sa halalan. Isa itong malaking hakbang patungo sa matagumpay na halalan.
 
Ipinasubok at ipinakita sa mga botante ng mga tauhan ng Comelec ang gagamiting Automated Counting Machine o ACM na gagamitin sa darating na halalan.
 
Nagpasalamat si Commission on Elections-Tayabas Election Officer Rhodora Gonzales sa mga lumahok sa matagumpay na mock election.
SHARE ON