18
Dec 2024
Health
News
Nagsagawa ang OCM-MHMERT ng Serbisyong Reynoso Mobile Health Services sa komunidad ng mga madre sa kumbento ng Missionary Catechist of Saint Therese of the Infant Jesus (MCST)
Nagsagawa ang OCM-MHMERT ng Serbisyong Reynoso Mobile Health Services sa komunidad ng mga madre sa kumbento ng Missionary Catechist of Saint Therese of the Infant Jesus (MCST), kabilang ang iba pang residente ng Barangay Lita para sa libreng konsulta sa doktor, mga libreng gamot, laboratory tests, ultrasound, x-ray, ECG, at iba pang medical services.
Pinangunahan ni Assistant City Health Officer-MHMERT Team Leader Ma. Graciela Derada-De Leon, MD, ang Serbisyong Reynoso Mobile Health Services para paglingkuran ang mga residenteng naninirahan roon. Maging ang ICT Section ay may offsite services para mamahagi ng Tayabazen Card.
Ang Serbisyong Reynoso Mobile Health Services ay inilunsad ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso para ipagkaloob sa mga residente ng Lungsod ng Tayabas ang mga libreng serbisyong medikal na kinapapalooban ng Health Consultation, Laboratory and Diagnostic Services, Ultrasound, ECG at X-ray.
Naging katuwang ng OCM-MHMERT sa Mobile Health Services ang mga Barangay Health Workers (BHW) ng Barangay Lita.