
29
Apr 2025

Nakinabang ang mga residente ng Barangay Camaysa sa libreng konsulta sa doktor na may kaukulang libreng gamot, at iba pang serbisyo sa Health Caravan ngayong Martes, April 29, 2025.
Sila ay nakinabang sa mga serbisyong pangkalusugan kagaya ng medical consultation, libreng gamot, laboratory procedures, ECG, at ultrasound. Gayundin may on-site job application ang Public Employment Service Office (PESO), App Registration ng Tayabazen Pink Card ng mga kawani ng OCM-ICT Section, pamimigay ng iba’t ibang uri ng buto na pananim mula sa City Agriculture Office, pagbabahagi sa mga bata ng pagkain at coloring materials ng Office of the City Library at mga serbisyo sa pangangalaga ng ngipin ng City Dental Section.
Naging katuwang ng OCM-MHMERT sa Mobile Health Services ang mga Barangay Health Workers (BHW) ng Barangay Camaysa.
Ang Health Caravan ay inilunsad para ipagkaloob sa mga residente ng Lungsod ng Tayabas ang mga libreng serbisyong medikal.


Related Articles
Popular Category
Recent Posts

- News|
- 2 weeks ago