
20
May 2025

Inihatid sa mga residente ng Barangay Mate ang mga serbisyong pangkalusugan at iba’t-ibang offsite government services ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ngayong Martes, May 20, 2025.
Nakinabang ang mga naninirahan sa nasabing lugar sa libreng konsulta, ECG, ultrasound, iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic and dental services, at mga kaukulang gamot.
Nagsagawa naman ng offsite services ang mga tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Veterinary Office, Public Employment Services Office (PESO), Office of the City Library at City Agriculture Office.
Ang Mobile Health Caravan ay regular na isinasagawa sa iba’t-ibang komunidad upang hindi na mahirapan ang mga residente sa pag-avail ng mga serbisyo na palaging isinusulong ng administrasyon ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.
Pinamunuan ni Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) Leader and Assistant City Health Officer, Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon, ang paghahatid ng iba’t-ibang serbisyong dala ng Mobile Health Caravan.


Related Articles
Popular Category
Recent Posts
