NAGSAGAWA NG VALIDATION VISIT ANG REGIONAL NUTRITION EVALUATION TEAM (RNET) SA LUNGSOD NG TAYABAS ngayong Miyerkules, May 21, 2025

NAGSAGAWA NG VALIDATION VISIT ANG REGIONAL NUTRITION EVALUATION TEAM (RNET) SA LUNGSOD NG TAYABAS ngayong Miyerkules, May 21, 2025
21 May 2025

Health

News

NAGSAGAWA NG VALIDATION VISIT ANG REGIONAL NUTRITION EVALUATION TEAM (RNET) SA LUNGSOD NG TAYABAS ngayong Miyerkules, May 21, 2025

Dumating sa Lungsod ng Tayabas ngayong Miyerkules, May 21, 2025, ang bumubuo ng Regional Nutrition Evaluation Team (RNET) para magsagawa ng validation upang matukoy kung natutustusan ng lokal na pamahalaan ang mga pagsisikap na mabawasan ang malnutrisyon at mapabuti ang kalagayang pang-nutrisyon sa Lungsod.
 
Kabilang sa mga dumating sina Regional Nutrition Program Coordinator (RNPC) Lourdes Bulante-Orongan, Nutrition Officer-III Theresa Rivas, Ingrid Sanga ng TESDA, at Fil Vincent Garcia ng National Commission on Indigenous People (NCIP).
 
Sumailalim sa Desk Evaluation upang matukoy ang compliance sa Monitoring and Evaluation of Local level Plan Implementation (MELLPI) ang Barangay Dapdap na nahirang na City Outstanding Barangay Nutrition Committee. Gayundin si Annjessica Zarsadias na kasalukuyang City Outstanding Barangay Nutrition Scholar mula sa Barangay Silangang Domoit.
 
Nanguna sa pagsalubong sa mga panauhin si Vice Mayor Rosauro Dalida na nagpahayag ng suporta sa ginagawang validation visit. Samantalang ang City Health Office sa pamumuno ni Dr. Hernando Marquez katuwang ang City Nutrition Office sa pamumuno ni CNAO Marinela Zaporteza-Chong ang namahala sa programa.
SHARE ON
Scroll to Top