NEWLY CONSTRUCTED LALO MULTI-PURPOSE BUILDING, BINASBASAN AT ISINULIT SA SANGGUNIANG BARANGAY

NEWLY CONSTRUCTED LALO MULTI-PURPOSE BUILDING, BINASBASAN AT ISINULIT SA SANGGUNIANG BARANGAY
26 Mar 2025

News

NEWLY CONSTRUCTED LALO MULTI-PURPOSE BUILDING, BINASBASAN AT ISINULIT SA SANGGUNIANG BARANGAY

Pormal nang na-turn-over sa bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Lalo, sa pamumuno ni Kapitan Amiel Romana, ang bagong Multi-Purpose Building matapos ang seremonya ng pagbabasbas na pinamunuan ni Rev. Msgr. Dennis Imperial at dinaluhan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso noong Martes, March 25, 2025.

Sa mensahe ni Mayor Lovely ay nasambit niya na “Dito po sa Barangay Lalo ako po ay natutuwa dahil isang simbolo po na hindi naglalayo ang simbahan at ang pamahalaan. Para ang atin pong mga adhikain ay mula sa blessing na ibinibigay ni Lord, at sa giya o ibig sabihin tayo po ay guided at hindi tayo namumuno lang kung maisipan lang. Tayo po ay may takot sa Diyos at tayo po ay naniniwala na ang atin pong pamamahala ay may basbas ng Panginoon.”

Lubos ang pasasalamat ng mga opisyal at residente ng Barangay Lalo sa pagkakaroon ng bagong gusali na higit na magpapadali ng pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.
SHARE ON
Scroll to Top