09
Dec 2024
Education
News
NURSERY PUPILS AT KINDERGARTEN STUDENTS, NAGSAGAWA NG COMMUNITY TOUR SA NEW TAYABAS CITY HALL.
Suot ang makukulay at naggagandahang costumes na ang iba ay sumisimbolo sa mga uniporme ng mga public servants, dumalaw ang pitumpu’t apat (74) na mag-aaral mula nursery at kindergarten bilang bahagi ng Community Tour na may temang “Community Place and Helpers” sa New Tayabas City hall noong Miyerkules, December 4, 2024.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga bata na mabisista si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa kanyang tanggapan para makadaupang-palad at makapagpakuha ng litrato kasama ang Punong Lungsod.
Ipinasilip din sa mga bata ang mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas para makita kung paano ang tamang paglilingkod sa bawat mamamayan ng Lungsod ng Tayabas.