
10
Feb 2025
News
OPERASYON KONTRA KOLORUM IKINASA

Umabot sa labimpitung (17) kolorum na tricycle ang nahuli, apat (4) dito ang na-impound at may apat (4) din na na-tire lock sa isinagawang operasyon kontra kolorum ngayong araw.
Pinagasiwaan ng mga tauhan ng OCM-Traffic Operations Section at Tayabas Component City Police Stattion ang operasyon ngayong Lunes, February 10, 2025. Layunin ng operasyon na mapasunod ang mga namamasadang tricycle driver sa mga patakaran at panuntunan na nakapaloob sa City Traffic Ordinance Number 21-27.
Kasabay na operasyon, nagsagawa rin ng pag tire lock sa mga nakaharang o nakaparadang sasakyan.
Bukod sa pag-impound sa mga nahuling kolurum ay pagmumultahin sila ng halagang limanlibong piso (P5,000).
Isang motorista naman ang kasabay na nadisgrasya dahil sa pag-iwas sa nasabing operasyon at aksidenteng bumangga sa isang Van.
Patuloy na nagpapaalala ang mga tauhan ng Traffic Operations Section na sumunod sa batas trapiko at ibang alituntunin sa kalsada upang maiwasan ang abala at multa sa paglabag.
Pinapakiusapan rin ang sinumang may-ari ng mga tricycle na wala pang prangkisa na magproseso sa business permit and licensing office (BPLO) upang hindi na makapagmulta at maging patas sa mga lehitimong drayber at operator na may valid na prangkisa.

