
13
Feb 2025
News
CIVIL SERVICE COMMISSION-QUEZON FIELD OFFICE DIRECTOR LILY BETH MAJOMOT, NAGSAGAWA NG PRIME-HRM ORIENTATION SA LGU TAYABAS.

Ikinagalak ni Acting City Mayor Rosauro “Oro” Dalida ang pagbisita ni CSC-Quezon FO Director II Lily Beth Majomot and Human Resource Specialist I Joanne R. Penascosas, kasabay ng pagsasagawa ng Orientation on PRIME-HRM, February 12, 2025.
Matatandaan na noong nakaraang January 28, 2025 ay tinanggap ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ang Prime-HRM Bronze Award mula sa Civil Service Commission Regional Office IV. At ngayon nga ay pinangunahan naman niya ang oryentasyon kaugnay ng pagpapatupad ng PRIME-HRM policies sa Lungsod ng Tayabas.
Kaagapay sa isinagawang orientation ang mga kawani ng Human Resourse Management Office sa pamumuno ni HRMO Mary Jane Z. Calupig.

