OPERASYON KONTRA KOLORUM, ISINAGAWA NG MGA TAGA OCM-Traffic Operations Section

OPERASYON KONTRA KOLORUM, ISINAGAWA NG MGA TAGA OCM-Traffic Operations Section
13 Feb 2025

News

OPERASYON KONTRA KOLORUM, ISINAGAWA NG MGA TAGA OCM-Traffic Operations Section

Umabot sa labinsiyam (19) na nahuli at na-isyuhan ng ticket na may kaukulang multa, tatlo (3) dito ang kolorum, walo ( 8 ) ang walang lisensya, tatlo (3) ang hindi rehistrado ang motor, at lima (5) ang nagmamaneho ng walang helmet sa isinagawang operasyon kontra kolorum ngayong araw.
 
Pinagasiwaan ng mga tauhan ng OCM-Traffic Operations Section at Tayabas Component City Police Station ang operasyon ngayong Lunes, February 12, 2025.
 
Layunin ng operasyon na mapasunod ang mga namamasadang tricycle driver sa mga patakaran at panuntunan na nakapaloob sa City Traffic Ordinance Number 21-27.
 
Bukod sa pag-impound sa mga nahuling kolurum ay pagmumultahin sila ng halagang limanlibong piso (P5,000).
 
Isang angkas ng motorista naman ang nahilo at nawalan ng malay habang tinitiketan ng Traffic Enforcer na agad namang nasaklolohan ng mga tauhan ng CDRRMO.
 
Patuloy na nagpapaalala ang mga tauhan ng Traffic Operations Section na sumunod sa batas trapiko at ibang alituntunin sa kalsada upang maiwasan ang abala at multa sa paglabag.
 
Pinapakiusapan rin ang sinumang may-ari ng mga tricycle na wala pang prangkisa na magproseso sa business permit and licensing office (BPLO) upang hindi na makapagmulta at maging patas sa mga lehitimong drayber at operator na may valid na prangkisa.
SHARE ON
Scroll to Top