25
Nov 2024
Agriculture
News
P527,367 WORTH OF INDEMNITY CHEQUES BUHAT SA PHILIPPINE CROP INSURANCE CORPORATION, IPINAMAHAGI SA MGA TAYABASING MAGSASAKA NA NASALANTA NG PESTE ANG MGA PANANIM.
Walumput tatlong (83) magsasakang Tayabasin ang tumanggap ng indemnity checks mula sa Philippine Crop Insurance Corporation Regional Office 4 na may katumbas na halaga ng tulong bunsod ng salantang dulot ng peste sa pananim.
Ginawa ang Pay-out sa New Tayabas City Hall ngayong Martes, November 19, 2024 kung saan pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamamahagi ng indemnity benefits sa mga nasalantang magsasaka, kasama sina Konsehala Elsa Rubio at Luz Cuadra.
Si Insurance Processor Aljane Mharu E. Oabel ng Philippine Crop Insurance Corporation at City Agriculturist Rommel Abuyan ang nagsaayos ng pamamahagi.