
06
Feb 2025

Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Silangang Domoit sa pagbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan at iba’t-iba pang social services ng pamahalaang lokal.
Pinamunuan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang caravan na naghatid libreng konsulta sa doktor, ECG, X-ray, at iba’t-ibang uri ng laboratory sa Barangay Hall ng Silangang Domoit ngayong Huwebes, February 6, 2025.
Lubos naman ang suporta ni Acting Mayor Rosauro “Oro” Dalida sa isinasagawang Paglilingkod na may Puso Caravan para ilapit ang libreng medical, laboratory, diagnostic at dental services sa mga residenteng nasasakupan ng Lungsod ng Tayabas.

