
11
Feb 2025

PAGLILINGKOD NA MAY PUSO CARAVAN SA DON ELPIDIO COVERED COURT, BARANGAY LALO.
Libreng konsulta sa doctor, ECG, X-ray at iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic at dental services ang dala ng tanggapan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team sa mga residente ng Barangay Lalo ngayong Martes, February 11, 2025.
Pinamunuan ni MHMERT Team Leader/Assistant City Health Officer Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon ang paghahatid ng Serbisyong may Puso Caravan katuwang ang ilang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas gaya ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library, City Veterinary Office, Public Employment Services Office (PESO), City Agriculture Office at OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section.
Nagkaroon din ng pagkakataon na makapagparehistro sa Philippine Identification Card o National ID at libreng Health Wellness Check-up ang mga residente doon.
Lubos naman ang suporta ni Acting Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida sa isinasagawang Serbisyong may Puso Caravan para ilapit ang libreng medical, laboratory, diagnostic at dental services sa mga residenteng nasasakupan ng Lungsod ng Tayabas.

