
07
May 2025

Pagpapakita ng husay at kaalaman sa pag-arte sa entablado ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Bachelor of Culture and Arts Education (BCAED) sa Colegio de la Ciudad de Tayabas ang ginawang pagtatanghal na pinamagatang “Sino nga ba ang Dapat na Magdadayag?”
Bahagi ng Mayohan sa Tayabas Festival 2025 ang Theater Recital na ginampanan ng mga mag-aaral sa Casa Communidad de Tayabas, Martes, May 6, 2025.
Umikot ang kwento sa kadalasang nagiging tanong sa loob ng isang tahanan tuwing matatapos ang salu-salong kainan kung sino nga ba ang dapat “magdayag?” Na matagumpay namang naitanghal at sinaksihan ng mga mag-aaral, guro at mga panauhin sa Casa Communidad.


Related Articles
Popular Category
Recent Posts
