Pagtatayo ng Hazard Resilient Evacuation Center sa Tayabas City, Isinagawa

Pagtatayo ng Hazard Resilient Evacuation Center sa Tayabas City, Isinagawa
27 Mar 2025

News

Pagtatayo ng Hazard Resilient Evacuation Center sa Tayabas City, Isinagawa

Isang mahalagang hakbang para sa disaster resilience ang isinagawa sa Barangay Ibabang Palale, Tayabas City sa pamamagitan ng Groundbreaking Ceremony para sa Hazard Resilient Evacuation Center – Type A!
 
Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso ang pasasalamat sa DRRMO, sa pangunguna ni Ma’am Che Bandelaria, sa kanilang suporta sa proyektong ito na may kabuuang pondo na ₱19,997,374.83.
 
Makikinabang dito hindi lamang ang mga residente kundi pati na rin ang mga mag-aaral sa paligid upang mas mapalakas ang kahandaan sa sakuna. Kasama sa seremonya ang mga kinatawan mula sa mga kalapit na barangay, mga kapitan, at mga punong guro mula sa Southern Luzon State University (SLSU), na nagpakita ng kanilang suporta sa proyektong ito.
 
Isang simbolo ng pagkakaisa at kahandaan para sa isang mas ligtas na kinabukasan!
SHARE ON
Scroll to Top