PAMUNUAN NG TAYABAS CITY PEOPLES COUNCIL, NAKIPAGKITA SA MGA OPISYAL NG CANDELARIA QUEZON PEOPLES COUNCIL PARA MAKAKUHA NG DAGDAG-KAALAMAN.

PAMUNUAN NG TAYABAS CITY PEOPLES COUNCIL, NAKIPAGKITA SA MGA OPISYAL NG CANDELARIA QUEZON PEOPLES COUNCIL PARA MAKAKUHA NG DAGDAG-KAALAMAN.
05 Dec 2024

News

PAMUNUAN NG TAYABAS CITY PEOPLES COUNCIL, NAKIPAGKITA SA MGA OPISYAL NG CANDELARIA QUEZON PEOPLES COUNCIL PARA MAKAKUHA NG DAGDAG-KAALAMAN.

Mainit na tinanggap nina Candelaria Municipal Vice Mayor Macario D. Boongaling, Executive Assistant James Daryl B. Rumbaoa, Candelaria Quezon Peoples Council Chairperson Froilan L. Remo at mga kasamahang opisyal ang delegasyon ng Tayabas City Peoples Council nang magsagawa ang mga ito ng benchmarking activity sa kanilang lugar noong Biyernes, November 29, 2024.
 
Pinangunahan ni TCPC Chairperson Jun Bayani ang mga kasamang pamunuan kung saan natunghayan nila ang paglalahad ng Candelaria Peoples Council Best Practices and other peoples council matters sa Sangguninag Bayan Hall ng Candelaria, Quezon.
 
Ikinatuwa ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang inisyatibo ng pamunuan ng TCPC na naglalayong mas paunlarin pa ang kaalaman ng mga kasapi at mas mapatatag pa ang Tayabas City Peoples Council. Sinigurado din niya ang buong suporta sa mga layunin at gawain ng organisasyon.
SHARE ON
Scroll to Top