PORMAL NA BINUKSAN ANG LIWASANG BAYAN

PORMAL NA BINUKSAN ANG LIWASANG BAYAN
09 May 2025

Events

News

Tourism

PORMAL NA BINUKSAN ANG LIWASANG BAYAN

Isang payak na programa na naghudyat ng pormal na pagbubukas ng “Kalinangan sa Liwasang Bayan” ang isinagawa kahapon, May 8, 2025 sa Bandstand kung saan mismong si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang nanguna sa ceremonial ribbon cutting, nagbigay ng mensahe at lumibot sa mga booth.
 
Nakahilira ang iba’t-ibang booth kung saan mabibili ang mga produktong Tayabasin na tatagal hanggang sa huling araw ng Mayohan sa Tayabas Festival 2025.
 
Bahagi ng opening program ang pagtatanghal ng Hiyas Kalilayan Cultural Group, at Umpukan: Awit sa Tagayan ni Gng. Elpidia Palayan, Gng. Blanca Castillo at G. Isabelo Cabuyao kasama ang Tagay Ritual Dancers.
 
Muling nag-anyaya si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga Tayabasin na makiisa sa iba’t-ibang activities ng Mayohan Festival 2025 na inihanda ng Mayohan Festival Executive Committee, mga katuwang na samahan at ahensya, at City Toursim Office sa pamumuno ni Koko Pataunia.
SHARE ON
Scroll to Top