
30
Apr 2025
News
RIVER CLEAN-UP ACTIVITY SA ILOG ALITAO, ISINAGAWA

Mga kawani ng Department of Health-Regional Office, City Health Office-Sanitation Section, CENRO, BHW, BNS, T1K, BSA, Tanod at Sangguniang Barangay ng Lita at Ilayang Nangka ang nagtulong-tulong sa isinagawang river clean-up activity ngayong Miyerkules, April 30, 2025 sa Ilog Alitao sakop ng Barangay Lita, Tayabas City.
Nakalikom ng mahigit tatlundaan limampung kilo (350kl) ng basura ang river clean up na ito.

