SANDAAN PITUMPU’T LIMANG TUPAD BENEFICIARIES, TUMANGGAP NG SWELDO MULA SA DOLE.

SANDAAN PITUMPU’T LIMANG TUPAD BENEFICIARIES, TUMANGGAP NG SWELDO MULA SA DOLE.
22 Jan 2025

News

SANDAAN PITUMPU’T LIMANG TUPAD BENEFICIARIES, TUMANGGAP NG SWELDO MULA SA DOLE.

Ipinamahagi ng mga tauhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang sweldo ng sandaan pitumpu’t limang (175) Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) beneficiaries ngayong Miyerkules, January 22, 2025.
 
Tinanggap nila ang sweldo na nagkakahalagang limanlibo animnaraang piso (P5,600) katumbas ng kanilang pagtatrabaho ng sampung araw sa nasasakupan ng kani-kanilang Barangay. Nagmula ang pondo kay Senator Joel Villanueva.
 
Nakiisa naman sa TUPAD salary payout si Acting City Mayor Rosauro “Oro” Dalida kasama sina Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Dino Romero, Konsehal Luz Cuadra at Konsehal Carmelo Cabarrubias.
 
Ang tangggapan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni PESO Manager Malou Montoya ang nanguna sa programa.
SHARE ON
Scroll to Top